Lasing kinatay ng kapitbahay
@Balitang Probinsiya | November 21, 2022
MASBATE—Patay ang lasing na lalaki nang pagtatagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Gangao, Baleno.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay nakilalang si Felo Banculo, 40-anyos, samantalang ang suspek ay si Levy Dellosa, 46-anyos, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa pulisya, habang nakikipag-inuman si Dellosa sa kanyang mga kaibigan ay biglang dumating ang lasing na biktima at kinompronta ang suspek.
Nabatid na habang nagtatalo ay biglang pinagtataga ng suspek hanggang mapatay ang biktima.
Kusa namang sumuko ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments