Lasing, dedbol sa van
@Balitang Probinsiya | November 2, 2021
AKLAN—Patay ang hindi kilalang lasing na lalaki nang aksidenteng mabangga ng van kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Altavas.
Sa ngayon ay inalaam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid sa kalsada ang lasing na biktima kaya aksidenteng nabangga ito ng van na minamaneho ni Khen Flores, 28-anyos, sa nasabing barangay.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima.
Nakapiit na si Flores na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments