Lasing, arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | November 16, 2021
AKLAN—Inaresto ng pulisya ang isang lasing dahil sa ginawa nitong panunutok ng baril kamakalawa sa mga residente ng Bgy. Laguinbanwa West, Numancia.
Kinilala ang suspek na si Julian Bolido, 46-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay bigla umanong nagwala si Bolido at nanutok ng baril sa mga residente sa nasabing barangay.
Sa takot ng mga residente ay ini-report nila sa pulisya ang pagwawala ni Bolido kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek na nakumpiskahan ng baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments