top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalaking dapat makatuluyan ng taong tres para sure ang maunlad na career at pamilya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 2, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 2, 2020



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran. Sa ngayon, may trabaho naman ako pero sapat lang sa akin ang aking kinikita. Ang isa ko pang problema, wala akong boyfriend, kaya gusto ko ring malaman kung magkaka-boyfriend ba ako at kailan makapag-aasawa? December 12, 1989 ang birthday ko at nais ko ring malaman ang aking destiny number at kung ano ang kahulugan nito?

Umaasa,

Ms. Sagittarius ng San Pedro, Morong, Rizal

Dear Ms. Sagittarius,


Ayon sa birthday mong December 12, 1989, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 3 sa destiny number na 6 (12+12+1989=2013/ 20+13=33/ 3+3=6) sa zodiac sign na Sagittarius. Sa sandaling tuluyan nang umiral ang birth date na 3, ang destiny number na 6 at ang zodiac sign mong Sagittarius, susuwertehin at aasenso ka sa iyong career.


Ibig sabihin, anuman ang propesyon mo sa buhay sa kasalukuyan, tiyak na magtatagumpay ka at tuluy-tuloy na aasenso at uunlad.


Sa larangan ng pag-ibig, liligaya at uunlad ka naman kung ang pipiliin mong asawa o magiging boyfriend ay mas mataas sa iyo ang antas ng pamumuhay. Halimbawa ng ganitong senaryo ay ‘yung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, habang ang mapapangasawa mo ay college graduate. Kung nakapagtapos ka naman ng college, posibleng ang mapangasawa mo ay may mataas na posisyon sa opisina o sabihin na nating mas nakaaangat sa iyo ang kanyang pamumuhay.


Ganu’n ang dapat kauwian at talaga namang mangyayari sa iyong career o sa aspeto ng propesyon at pag-aasawa kung saan kayong mga Taong Tres (3) at Taong Sais (6), sa panahong kayo’y nag-asawa na, laging mas mataas ang antas o pamumuhay ng lalaking mapapangasawa n’yo sa panahon ng pagtatayo ng sariling pamilya. Ito rin ang garantiya na uunlad at magiging masagana ang itatayo n’yong pamilya.


Sapagkat kapag ang nangyari ay mas mababa sa inyo ang inyong napangasawa, ibig sabihin ay mas magaling ka kaysa sa lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap – malungkot at hindi gaanong magiging successful ang mangyayaring pagpapamilya. Subalit ‘wag kang malungkot dahil minsan lang nangyayari ang ganyang senaryo sa kapalaran ng mga Taong Tres at Taong Sais, na nagkataong ikaw ay nagtataglay pa ng ruling planet na Jupiter.


Samantala, anuman ang mangyari, ayon sa Decandens ng Kapalaran, ngayong 2020 hanggang 2021, kahit sabihin pang may pandemya at sa edad mong 30 pataas, lalong gaganda at bubuti ang iyong career. Kasabay nito, magkaka-boyfriend ka na rin hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng lalaking mas magaling at maunlad sa iyo ang kalagayan sa lipunan na inyong ginagalawan. Ang lalaking iyong mapapangasawa ay kasalukuyan mo nang kakilala, na isinilang sa buwan ng Mayo o Hunyo kung saan sa sandaling napangasawa mo siya, tuluy-tuloy at lalo pang uunlad ang iyong career, ganundin ang aspetong pangkabuhayan hanggang sa makapagtayo kayo ng masagana at maligayang pamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page