top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalaki kinatay ng 1 pamilya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 26, 2023


AKLAN—Isang 42-anyos na lalaki ang namatay nang pagtulungang saksakin ng apat na miyembro ng isang pamilya kamakalawa sa Bgy. Daja Sur, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan na si Erick Iremedia, samantalang ang mga suspek ay sina Johnny, Jason, Jun at Ramil, pawang may apelyidong Montuya.


Ayon sa ulat, habang naglalamay sa burol ng isa nilang namayapang kabarangay ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at mga suspek na humantong para pagtulungang saksakin ng mga salarin si Iremedia.


Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang mga suspek, pero nadakip sila ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page