top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lalaki, dedbol sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 17, 2023


PANGASINAN -- Isang 57-anyos na lalaki ang namatay nang mabangga ng isang trak kamakalawa sa Bgy. Salaga, Bugallon, sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima at ang driver ng trak habang nagsasagawa ng imbestigasyon patungkol sa naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak kaya aksidente nitong nabangga ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Napag-alaman na namatay sa mismong pinangyarihan ang biktima.


Nahaharap ngayon ang driver ng trak sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page