Lakas-CMD, maghahain ng ethics complaint vs Barzaga
- BULGAR
- 16 hours ago
- 1 min read
by Info @News | October 18, 2025

Photo: Kiko Barzaga / FB
Pinag-iisipan ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa post sa social media na inaakusahan ang ilang miyembro ng partido ng katiwalian at political deal.
Kinumpirma ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na pinag-uusapan na ng mga miyembro ng partido ang posibleng paghahain ng reklamo.
“The membership of Lakas is seriously contemplating on filing an ethics complaint kasi medyo ‘yung accusations na ganun, ‘yung allegations na ganun, it already abused his privilege of being a member of the House,” ani Adiong.
Matatandaang sa Facebook post ni Barzaga na mga larawang kuha sa isang Lakas-CMD meeting, sinabi nitong nangako umano si Adiong ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kapalit ng proteksyon.
Gayundin ang pagiging state witness umano ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa kontrobersya sa flood control projects, kasama rin ang iba pang mga akusasyon laban sa mga kapwa miyembro ng partido.
Dagdag ni Adiong, ang post ni Barzaga ay nagkakalat ng kasinungalingan at inilarawan ang mga aksyon nito bilang “improper” para sa isang mambabatas.
“Definitely the behavior is unbecoming of a parliamentarian, the action and the behavior,” anito.
Comments