top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Labs pa rin ang ex-husband kahit nambabae, makakikilala ng bagong guy at makapag-aasawa ulit

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 15, 2021





KATANUNGAN


  1. Wala na akong mapaglibangan ngayon kundi ang page-FB at minsan ay pakikipag-chat kapag may free-time ako at minsan-minsan ay nagti-TikTok. Naghiwalay na kami ng asawa ko, pero aaminin kong hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kaya lang, ano pa ang magagawa ko dahil simula nang nag-abroad siya, umuwi lang siya ng isang beses at nawala na hanggang mabalitaan kong nasa iba na pala siyang kandungan.

  2. Noong una, masakit talaga pero katagalan ay unti-unti ko na ring natanggap na minalas ako sa pag-aasawa at isa pa, naisip ko na kung hindi siya maligaya sa akin at hindi na niya ako mahal, wala naman akong magagawa.

  3. May trabaho naman ako ngayon kaya wala na talaga akong pakialam sa kanya dahil kaya ko namang buhayin ang sarili ko at ang dalawa naming anak. Kumbaga, tanggap ko na ang nangyari sa aking kapalaran at isa na lang talaga ang problema ko, kung paano titiisin ang kalungkutan kapag sumasagi sa isip ko ang pangungulila o pag-iisa.

  4. Sa edad kong 33, alam kong kaya ko pang mag-asawa at makatagpo ng lalaking magmamahal sa akin habambuhay. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako dapat pang magkamali. Kaya Maestro, naisip kong ikaw lang ang makakatulong sa akin upang malaman kung ano ba talaga ang aking magiging kapalaran at paano ko matatagpuan ang lalaking magmamahal sa akin nang tapat at makakasama ko habambuhay? Sana ay matulungan mo ako upang magkaroon din ako ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


KASAGUTAN


  1. Tama lang na buksan mong muli ang iyong puso, umibig kang muli at magmahal. Sa ganyang paraan lamang, muli mong mapipitas ang ligayang hindi naipalasap sa iyo ng mister mong nasa piling na ngayon ng ibang kandungan.

  2. Sapagkat ayon sa guhit sa palad, tiyak ang magaganap – makasusumpong ka rin ng karapat-dapat na lalaking sa iyo ay sadyang inilaan ng kapalaran, na siya rin namang nais sabihin ng ikalawa at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay tanda na ang dating kabiguan sa pag-aasawa ay hindi na mauulit, upang sa ikalawang pakikipagrelasyon, mapatutunayan ang tunay at talagang dapat mangyari sa mga katulad mong lumalaban at nakatanggap ng reyalidad ng buhay na maluwag sa iyong kalooban ay ang magmahal nang magmahal at muling lumigaya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Tunay ngang may rason, Monique, upang muling magmahal at umibig dahil hindi ka nilikha para malungkot, gayundin, hindi ka nabubuhay ngayon para mangulila at manghinayang sa mga nagdaang kabiguan at pagkakamali sa unang pag-aasawa, bagkus, nilikha ka upang lumigaya.

  2. Gawin mo na ngayon at magagawa mo naman talaga—muli kang umibig at magmahal kung saan ayon sa iyong mga datos, nakatakda mong matagpuan ang ikalawang lalaking makakasama mo isang maligaya at panghabambuhay na pamilya sa susunod na taong 2022, sa buwan ng Mayo at sa edad mong 34 pataas, muli kang magmamahal at habambuhay nang liligaya, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page