top of page

Labs mo, Ion, nahingan ng advice… VICE KAY ANGELINE: 'WAG TUMODO SA LALAKI!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2020
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 22, 2020



Tumangging magsalita ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa latest issue sa kontrobersiyal at mysterious guy na kasama niya sa picture na ipinost niya sa kanyang Instagram account recently.


May nagtanong kasi sa mediacon ni Angeline para sa Season 2 ng kanyang online show titled PadaLove na nagsimula na last August 19 at napapanood every Wednesday, 5 PM sa YouTube, kung mapapanood ba sa show ang mysterious guy na nasa swimming pool with her.


"Actually, gustung-gusto kong sagutin ang question n'yo. Kaya lang kasi, marami po akong mga kaibigan at malapit sa akin na mga press, na kilala ninyo rin. Nagme-message sila sa akin nang personal, kaya lang, hindi ko talaga sila masagot. At kung sasagutin ko ‘yan ngayon, baka magtampo naman sila sa akin. Kaya ang sabi ko sa kanila, kagaya ng sinagot ko sa lahat, sana, abangan ninyo sa PadaLove, kasi anuman po ‘yung questions ninyo tungkol sa buhay-pag-ibig ko, eh, doon ko po sasagutin lahat. So, abangan po ninyo doon," pakiusap ni Angeline.


First time raw niyang gagawin ‘yun sa usapin ng buhay-pag-ibig niya.


Ang PadaLove online show ni Angeline ay tungkol sa mga nagpapadala ng sulat sa kanya para humingi ng advise.


Nabuo raw ang online show niya nu'ng unang buwan ng lockdown kung saan may mga kaibigan siyang madalas humihingi ng payo kapag may problema sa pag-ibig at tinatanong siya kung ano ba'ng theme song ang bagay sa love problems nila.


Hanggang sa kinausap niya ang direktor ng ASAP Natin 'To at kabilang din sa talent and events management na KreativDen na si Dido Canara, at binuo na nga nila itong PadaLove online show.


At para hindi lang limited sa love problems, puwede ring humingi sa kanya ng advise about family, friends, etc..


Dahil successful ang unang season ng PadaLove, nagpasalamat si Angeline sa lahat ng mga subscribers at nagpadala ng kuwento ng buhay nila sa kanyang show.


At sa Season 2, mas marami pa raw silang natatanggap na mga sulat. Wish ni Angeline, huwag mahiya o matakot 'yung iba na mag-share ng kuwento nila.


Sa mga nabigyan ng payo ni Angeline sa Season 1, pinakanaka-relate raw siya sa nagpadala ng kuwento tungkol sa sibling rivalry.


Kuwento ni Angeline, nu'ng nabubuhay pa raw kasi ang kanyang ama, lagi siya nitong ikinukumpara sa kanyang kuyang seaman. Eh, hindi pa raw siya sikat na singer-artista that time.


"Lagi niya akong sinasabihan, ‘O, ikaw, ano na ang trabaho mo? 'Yung kuya mo, nakapag-around the world na.' So, laging ganu'n. Parang ‘yun 'yung tumatak sa isip ko. Kaya siguro rin nagkaroon ako ng lakas ng loob para mas labanan ang mga pagsubok sa buhay ko. Kasi gusto ko rin talagang kahit papa'no, maging katulad ng kuya ko, mas maayos na buhay."


May dalawang anak na raw ang kuya niya at nakatira sa Pangasinan.


"Pero hindi ko naman siya tiningnan na kakumpitensiya. Medyo sumama lang ang loob ko kasi parang every time na may sinasalihan po ako na singing contest, kapag natatalo ako, lumalayo ang loob nila sa akin. So, 'yun po talaga ang pinakamabigat na nangyari sa akin nu’ng kabataan ko."


Tinanong namin siya kung ano'ng maibibigay niyang advice sa sarili.


"Para sa pag-ibig? Ang masasabi ko lang, kung si Angeline, eh, kaharap ko ngayon, sobra akong proud sa ‘yo kasi kahit napakaraming beses mo nang nasaktan pagdating sa pag-ibig, eh, nanatili kang strong. Na never mong ipinagdamot or never kang napagod na magmahal ulit."


Dugtong pa niya, "And I’m sure naman na sa paghihintay mo na ‘yan, parang katulad lang 'yan ng paghihintay kung kailan ka magiging champion sa singing contest, kahit gaano katagal ‘yan, alam mong magiging worth it ‘yan pagdating ng panahon. So, 'yun."


Kapag dumadaan daw siya sa matinding problema sa pag-ibig, may isang tao lang daw siyang pinupuntahan.


"Uh, sa totoo lang, kasi nahihiya akong mag-open kapag buhay-pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro, meron akong isang tao na kapag sobra na ang pinagdaraanan ko sa buhay pag-ibig, si Ate Vice (Ganda) talaga."


May isang payo raw na ibinigay sa kanya si Vice na hindi niya malilimutan.


"Kung magmahal po ako ng tao, sana huwag na huwag akong makakalimot na magtira na magmahal sa sarili. Kasi paano po kapag iniwan ka? Mamamatay ka na ba kapag iniwan ka? Kasi, mamamatay ka kapag wala kang iniwan sa sarili mo."


At kung may wish daw siyang mag-guest sa show niya, ito'y sina Ms. Charo Santos, ang King of Talk na si Boy Abunda at ang naging leading man niyang si Coco Martin.


"Kasi, never ko siyang naringgan kahit sa personal kami na magkausap, never ko siyang naringgan magkuwento about love life. So, bakit hindi natin hingan ng tulong na mag-advise tungkol sa pag-ibig. Parang feeling ko, mas exciting ‘yung ganu'n kapag si Coco."


So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page