Laborer umawat sa away, pinagtataga
- BULGAR
- Nov 16, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 16, 2022
AKLAN—Isang 31-anyos na laborer na umawat sa away ng mag-asawa ang sugatan nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Ang biktima na nagtamo ng taga sa iba't ibang bahagi ng katawan Gary Panagsagan, samantalang ang suspek ay si Joven Flores, 29-anyos, at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-away si Flores at ang misis niya na dahilan kaya umawat si Panagsagan, pero nagalit ang suspek kaya pinagtataga nito ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa ngayon ay nasa pagamutan na ito.
Nadakip naman agad ng mga nagrespondeng pulisya si Flores na nahaharap sa kasong attempted homicide.



Comments