Laborer todas sa motorsiklo
@Balitang Probinsiya | November 6, 2022
RIZAL—Patay ang laborer nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Calawis, Antipolo City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Lito Villorente, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Villoorente ay aksidente itong nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Jericho Esto, nasa hustong gulang at residente ng naturang lalawigan.
Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima dahilan kaya ito namatay.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Esto na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments