top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Laborer todas sa gumuhong lupa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 3, 2023



MOUNTAIN PROVINCE — Isang laborer ang namatay nang gumuho ang lupa at matabunan ito kamakalawa sa construction site sa Brgy. Abatan, Abuko sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rodante Laluan, nasa hustong gulang at residente ng Pozorrubio, Pangasinan.


Ayon sa ulat, habang nagtatrabaho si Laluan sa construction site ay gumuho ang lupang kinatatayuan nito kaya natabunan ang biktima.


Nabatid na inabot ng halos kalahating oras bago nahukay at nailabas ng ibang construction worker ang biktima sa gumuhong lupa.


Agad dinala ng mga katrabaho ni Laluan ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page