Laborer tinodas sa tindahan
@Balitang Probinsiya | October 23, 2022
AKLAN—Isang laborer ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa tindahan sa Bgy. New Buswang, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Jehel Custodio, 31-anyos, samantalang ang suspek ay si Janerey Yacub, 35-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa sa isang tindahan na humantong sa pananaksak ng salarin sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Custodio sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments