Laborer, tinodas ng rider

@Balitang Probinsiya | December 8, 2020
CAPIZ—Isang laborer ang namatay nang pagbabarilin ng rider kamakalawa sa Bgy. Adlawan, Roxas City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Regie Gaco, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang may binibili sa tindahan si Gaco ay biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments