Laborer, tinodas ng katoma
@Balitang Probinsiya | July 29, 2023
ZAMBOANGA DEL NORTE — Isang laborer ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Galas, Dipolog City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Gerogen Maata, 43, samantalang ang suspek ay si Lybert Omandam, 32, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para pagsasaksakin ng salarin ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Napag-alaman na nagtangka pang tumakas ang suspek, subalit nadakip din siya ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya.



Comments