top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Laborer, tinodas ng biyenan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2021



SULTAN KUDARAT—Isang 39-anyos laborer ang namatay nang saksakin ng kanyang biyenang lalaki kamakalawa sa Bgy. Malegdeg, Senator Ninoy Aquino.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si William Acosta, samantalang ang suspek ay ang biyenan nitong si Diosdado Rana, 83-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, binugbog ni Acosta ang kanyang misis at nang makita ito ni Rana ay agad kumuha ito ng patalim at pinagsasakyan ang biktima.


Kaagad namang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of bladed weapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page