Laborer, tinepok ng katrabaho
@Balitang Probinsiya | April 30, 2023
CAVITE—Isang laborer ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakaalitang katrabaho, kamakalawa sa Bgy. Toclong, Kawit sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Ronald Dangan, 40, samantalang ang suspek ay si Ronald Aquiman, 33, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Dangan at Aquiman na humantong para magsuntukan ang dalawa hanggang maglabas ng patalim at pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad kaya naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments