top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Laborer tinadtad ng saksak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2023


AKLAN — Isang laborer ang tinadtad ng saksak at napatay ng kanyang mga

nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Cortes, Balete sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Antonio Bernabe, nasa hustong gulang, samantalang hindi na muna pinangalanan ang mga suspek hangga’t hindi pa sila nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo si Bernabe at kanyang mga kainuman na humantong para pagsasaksakin ng mga salarin ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nabatid na pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page