top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Laborer, timbog sa baril at mga bala

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 25, 2023

CAPIZ -- Isang laborer ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril at mga bala kamakalawa sa Brgy. Bolo, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Raul Bejada, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na may baril si Bejada kaya nang makita ng mga operatiba ang suspek ay agad itong dinakip matapos makumpiskahan ng isang kalibre .38 revolver at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng pulisya sa nasabing barangay.


Nakapiit na si Bejada na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page