top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Laborer, sinaksak ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 31, 2023


ALBAY -- Isang laborer ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Matacon, Polangui sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Adrian Pongan, samantalang ang suspek ay si Nobert Elcano, kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Pongan at Elcano ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima.


Agad na dinala ng mga saksi si Pongan sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page