Laborer, pinatay sa taga
- BULGAR
- Nov 11, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 11, 2021
PALAWAN—Isang laborer ang natagpuang patay na may mga tama ng taga sa katawan kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Aguilar Dalisay, nasa hustong gulang, bunata at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, isang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ni Dalisay sa loob ng bahay ng biktima.
Huli umanong nakitang buhay si Dalisay habang kainuman ang isang nagngangalang “Albert” na bisita ng biktima sa kanyang bahay.
Pinaghahanap na ng pulisya si “Albert” para imbestigahan sa pagkamatay ng biktima.



Comments