Laborer, pinatay sa bahay
- BULGAR
- Dec 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 10, 2023
LAGUNA -- Isang laborer ang namatay nang pagsasaksakin ng isang lalaki sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Brgy. Magsaysay, San Pedro City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Allan Robles, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Robles ay biglang pumasok ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Jessie” at agad pinagsasaksak hanggang mapatay ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang salarin.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments