top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer pinatay ng pinsan

BULGAR
Oct 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2022


AKLAN—Patay ang isang laborer nang saksakin ng kanyang pinsan kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga.


Kinilala ng pulisya ang biktima na Michael Placido, samantalang ang suspek ay ang pinsan niyang si Allen Placido dela Cruz, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magpinsan na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page