Laborer, pinana ng utol
@Balitang Probinsiya | June 09, 2023
Aklan -- Isang laborer ang sugatan nang panain ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Bugtongbato, Ibajay sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng pana sa dibdib na si Reynaldo Taratara, 41, samantalang ang suspek ay ang kapatid nito na si Rocel Taratara, 33, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para kumuha ng pana ang suspek saka pinana nito ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital at kasalukuyan itong inoobserbahan.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide.



Comments