Laborer patay, helper kritikal sa kuryente
@Balitang Probinsiya | October 02, 2023
ZAMBOANGA CITY -- Isang laborer ang namatay at isang helper ang nasa kritikal na kalagayan nang makuryente ang mga ito kamakalawa sa Bgy. Lower Mangoso sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Reymart Boracho, samantalang kritikal ang kalagayan ng helper na si Noel Retiza, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, napahawak si Boracho sa isang live wire na nakalagay sa ginagawa nilang tangke ng tubig kaya ito nakuryente.
Napag-alaman na tinangka ni Retiza na saklolohan si Boracho nang hawakan niya ito sa kamay, pero maging siya ay nakuryente.
Agad dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Boracho.



Comments