Laborer, natagpuang patay sa bahay
- BULGAR
- Aug 30, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 30, 2023
AKLAN -- Isang 53-anyos na laborer ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Libang, Makato sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Amir Penalosa, residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa katawan sa loob ng kanyang bahay.
Nabatid na mag-isa lang naninirahan ang biktima sa kanyang bahay.
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya para makilala at madakip ang salarin.



Comments