Laborer, nadale ng hit and run
@Balitang Probinsiya | June 27, 2023
AKLAN -- Isang laborer ang nasa kritikal na kalagayan nang ma-hit and run ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ariel Arboleda, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na nabangga ng isang motorsiklo si Arboleda, pero imbes na huminto ay tumakas ang rider.
Nabatid na ilang saksi ang nagdala sa biktima sa ospital na inoobserbahan ngayon dahil sa malaking pinsala na tinamo nito sa ulo.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na rider.



Comments