Laborer na umiihi, tinaga ng kapitbahay
- BULGAR
- Oct 29, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Oct 29, 2021
AKLAN—Isang laborer na umiihi ang nasa malubhang kalagayan nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Brgy. Feliciano, Balete.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng taga sa mukha na si Marial Protacio, 49-anyos, samantalang ang suspek ay si Russel Agihap, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, umiihi umano si Protacio malapit sa bahay ni Agihap nang bigla itong tagain ng suspek.
Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas si Agihap.
Ginagamot na sa ospital si Protacio, samantalang sinampahan na ng pulisya si Agihap ng kasong frustrated murder.



Comments