Laborer na pusher, timbog
@Balitang Probinsiya | November 5, 2021
ALBAY--Isang laborer na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bombon, Legazpi City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad upang madakip ang nagsu-supply sa kanya ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments