top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer na pusher, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 21, 2023



AKLAN—Isang laborer na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Islands sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Rodian Sastre, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Balabag sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Sastre ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Sastre.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page