top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Laborer, na-hit and run

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2023


AKLAN -- Isang 53-anyos na laborer ang sugatan nang ma-hit and run ng isang van kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Ibajay sa lalawigang ito.


Nakilala ang biktima na si Ernesto Sta. Lucia, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Sta. Lucia nang mabangga ng isang van, pero imbes tulungan ng driver at dalhin sa ospital ay mabilis na tumakas ang suspek.


Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at katawan, at agad itong dinala ng mga saksi sa pagamutan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na driver ng van.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page