Laborer na gumahasa sa paslit, tiklo
@Balitang Probinsiya | November 9, 2022
CAGAYAN—Isang 37-anyos na laborer na gumahasa sa 4-taong gulang na batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Tuao.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng ama ng biktimang itinago sa pangalang "Nene" na ginagahasa ito ng suspek.
Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang ama ng biktima, kaya nadakip ng rumespondeng awtoridad ang rapist.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay sinampahan na siya ng kasong rape.



Comments