top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Laborer may dalang shabu, huli sa checkpoint

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 25, 2021



PAMPANGA—Isang laborer ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Dau, Mabalacat City.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Regie Manarang, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, napadaan si Manarang sa police checkpoint at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng apat na sachets ng shabu.


Nabatid na hindi na nanlaban si Manarang nang dakpin siya ng mga awtoridad sa police checkpoint.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page