top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Laborer, kinatay sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2023


AKLAN -- Isang 37-anyos na laborer ang pinagtataga hanggang mapatay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Maloco, Ibajay sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga saksak sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Benedict Garson, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa pulisya, nang mapuna ng mga kapitbahay ni Garson na hindi ito lumalabas ng bahay ay pinuntahan nila ito at dito natagpuan ang duguang bangkay ng biktima na may mga tama ng taga sa katawan.


Sinabi ng mga residente na wala silang alam na kaaway ng biktima sa kanilang barangay.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page