top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Laborer, kinatay ng katoma

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 11, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang laborer ang pinagtataga at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Taboso sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay nakilalang si Marvin Encarquez, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.


Samantala, hindi muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para pagtatagain ng salarin ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek na nahaharap sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page