top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Laborer, kinatay ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2021


PALAWAN—Patay ang isang laborer nang pagtatagain ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Latud, Rizal.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jolan Respecio, 38-anyos, samantalang ang suspek ay si Renante Basical, 44-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagtatagain ng suspek ang biktima.


Nabatid na nakaresponde agad ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.


Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page