top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer, kinatay ng 2 kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 30, 2023



BULACAN -- Isang laborer ang namatay nang saksakin at gilitan ng dalawa niyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Borol 1st, Balagtas sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan at gilit sa leeg ay si Igmar Colindon, 23, habang ang mga suspek ay nakilalang sina Joene Duenas at Robert Gonzales, kapwa nasa hustong gulang at parehong tubong-Aurora province.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sa nasabing barangay ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at dalawang suspek hanggang pinagsasaksak at gilitan ng dalawang salarin si Colindon.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nadakip naman ng mga rumespondeng awtoridad ang dalawang suspek at sa ngayon ay nakapiit na ang mga ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page