@Balitang Probinsiya | December 18, 2023
LA UNION -- Isang laborer na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Sevilla, San Fernando City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na “Ramon”, nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 0.3 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments