Laborer, dinedbol ng bayaw

@Balitang Probinsiya | February 17, 2021
AKLAN—Patay ang laborer nang barilin ng kanyang bayaw kamakalawa sa Bgy. Alas-as, Madalag.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Jonathan Nacuspag, 44-anyos, samantalang ang suspek ay ang bayaw nitong si Junjun Apolinario, 42-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-inuman ang magbayaw at nang malasing ay nagkaroon ng pagtatalo kaya tinaga ni Nacuspag sa kanang kamay si Apolinario, at bagama’t sugatan ay nagawa ng suspek na kunin ang kanyang binaril at binaril sa dibdib ang biktima.
Kapwa dinala ng kanilang mga kamag-anak ang magbayaw sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Nacuspag, samantalang ginagamot pa ang suspek.
Sa kasalukuyan ay naka-hospital arrest si Apolinario na nahaharap sa kasong homicide at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments