top of page
Pokwang.jpg

Laborer dedo, kaibigan sugatan sa pananaga

BULGAR
Mar 7, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 7, 2021



CAPIZ—Isang laborer ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang tagain sila ng kanilang kaalitan kamakalawa sa Bgy. San Rafael, Dumalag.


Kinilala ang nasawi na si Niño Facularin, 30-anyos, samantalang ang sugatan ay si Rommel Biaco, 42-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, kumakain ang dalawang biktima nang sumulpot ang suspek na si Ernan Fantinalgo at agad pinagtataga ang dalawang biktima.


Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang dinala naman ng mga saksi sa ospital ang dalawang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Facularin dahil sa dami ng tinamong tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Napag-alamang may dati nang alitan ang mga biktima at ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page