Laborer dedo, 1 pa sugatan sa pamamaril
@Balitang Probinsiya | Enero 20, 2023
QUEZON—Patay ang isang laborer habang kritikal naman ang kaibigan nito nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Manggalang-Bantilan, Sariaya.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edgardo de Castro, 40-anyos, samantalang ang sugatan ay si Gerry Escovilla, 39-anyos, kapwa residente ng Bgy. Lutucan-Malabag sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang nakaupo sa motorsiklo sina De Castro at Escovilla ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nabatid na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang dalawang biktima at dinala sila ng mga saksi sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si De Castro.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.



Comments