Laborer, dedbol sa mini truck

@Balitang Probinsiya | February 24, 2021
CAPIZ—Patay ang 23-anyos na laborer ang namatay nang aksidenteng mabangga ng rumaragasang mini-truck kamakalawa sa Bgy. Pari-an, Sigma.
Ang biktima ay nakilalang si Leo Lutching, Bgy. Oyong sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Lutching nang mabangga ito ng rumaragasang mini-truck na minamaneho ni Darius Andrade, nakatira sa Bgy. Tawog sa naturang bayan.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Andrade na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments