Laborer, dedbol sa balon
@Balitang Probinsiya | June 18, 2023
CAPIZ -- Isang laborer ang namatay at isa pa ang nasa kritikal na kalagayan nang kapusin ng hininga sa loob ng isang balon kamakalawa sa Bgy. Apero, Tapaz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Paul Galagate, habang kritikal ang kondisyon ni Rolly Garbosa, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, bumaba si Galagate sa ilalim ng balon para linisin ito, pero nakita ni Garbosa na nawalan ito ng ulirat.
Dahil dito, bumaba si Garbosa para sumaklolo, pero maging siya ay nawalan din ng ulirat.
Agad sumaklolo ang mga residente at dinala ang dalawang biktima sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival si Galagate.



Comments