Laborer, binugbog ng mag-ama
@Balitang Probinsiya | November 21, 2021
AKLAN—Binugbog ang isang laborer ng mag-amang kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Felix Torres, 39-anyos, samantalang ang mag-amang suspek ay sina Marlon at Nonoy Azunada, pawang residente sa nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, habang nakatayo si Torres sa isang tindahan ay biglang dumating suspek na si Marlon at sinuntok ang biktima.
Nang akmang lalaban si Torres ay dumating din ang anak ni Marlon na si Nonoy at pinagsusuntok ang biktima.
Matapos ang pambubugbog sa biktima ay mabilis na tumakas ang mag-amang suspek, samantalang ginagamot na sa ospital si Torres.



Comments