top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Laborer, binoga ng tanod

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2021


CAPIZ—Sugatan ang laborer nang barilin ng barangay tanod kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Tapaz.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay ay kinilala ng pulisya na si Richard Falcis, 33-anyos, samantalang ang suspek ay si Cristituto Gumalid, 55-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang barilin ng suspek ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.


Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan pa itong ginagamot sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page