L-300 van, na-hit and run ng tricycle
- BULGAR
- Nov 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 25, 2023
AKLAN -- Isang L-300 van ang na-hit and run ng isang tricycle kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang driver ng L-300 van ay nakilalang si Ariel Fernandez, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. New Buswang sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Fernandez, habang nakaparada ang minamaneho niyang L-300 van ay nabangga ito ng isang rumaragasang tricycle na minamaneho ng hindi nakilalang driver.
Nabatid na imbes huminto at managot sa naging damage ng L-300 van ay mabilis na tumakas ang tricycle driver.
Dahil dito ay nagtungo sa himpilan ng pulisya si Fernandez para ireklamo ang driver ng tricycle ng reckless imprudence resulting to damage to property.



Comments