Kuyang lasing, tinaga ng utol
- BULGAR
- Nov 12, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 12, 2021
ALBAY—Isang lasing ang sugatan nang tagain ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Nagsiya, Sto, Domingo.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa ulo Erwin Banzuela, 35-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nito na si Resureccion, 26-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-iinuman umano ang magkapatid at nang malasing si Erwin ay nagpasya na itong umuwi na ikinagalit ni Resureccion kaya pinagtataga nito sa ulo ang biktima.
Nabatid na kaagad nakapagresponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.
Ginagamot na sa ospital si Erwin samantalang nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments