Kuya, kinatay ng utol
@Balitang Probinsiya | June 27, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 37-anyos na lalaki ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Tiling, Cauayan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Orly Estrabela, habang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi pa nadadakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek at masampahan ng kasong parricide.



Comments