top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kuya kinatay ng utol

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 22, 2023



ILOILO—Isang 43-anyos na lalaki ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Lupa, Sta. Barbara sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elvin Jarloc, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek na 31-anyos hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek upang sampahan ng kasong parricide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page