top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kuta ng NPA sinalakay

BULGAR
Dec 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 20, 2022


NUEVA ECIJA – Sinalakay ng mga awtoridad ang kuta ng komunistang New People's Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar sa Bgy. San Fernando, Laur sa lalawigang ito.


Sa isinagawang pagsalakay ay nakarekober ang mga awtoridad ng mga kagamitan ng mga NPA.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa kuta ng NPA sa nabanggit na barangay.


Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar, pero nakatakas ang mga komunista at tanging mga kagamitan na lang ng mga NPA ang natagpuan sa kuta.


Naglunsad na ngayon ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga tumakas na NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page